Manila LGU, binago ang polisiya sa usapin ng health certificates

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ang bawat health certificate ay may bisa o epektibo na ng isang taon mula nang makuha ito kahit anong buwan.

Ito’y matapos na aprubahan ng Manila City Local Health Board ang nasabing patakaran para sa kapakanan ng mga nagtatrabaho o naghahanap ng trabaho.

Nabatid na naging isyu ito sa ilang mga fast food company kung saan ang mga nakukuha nilang empleyado sa kalagitnaan ng taon ay nagkakproblema sa health certificate.

Ito’y dahil ang expiration ng health certificate ay tuwing kada December 31.

Nagdesisiyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila na baguhin ang sistema upang hindi magdoble ang gastos ng mga empleyado at hindi maabala ang trabaho.

Facebook Comments