Manila LGU, binuksan na ang Registration para sa mga menor de edad na nais magpabakuna

Binuksan na ng Manila City government sa edad 12 hanggang 17 ang COVID-19 vaccine registration website nito na www.manilacovid19vaccine.ph

Ang hakbang ng lokal na pamahalaan ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ay kasunod ng anunsyo ng national government na ang mga batang pasok sa nabanggit na age group ay pwedeng mabigyan ng piling brand ng COVID-19 vaccine.

Gayunpaman, nilinaw ni Mayor Isko na wala pang klarong petsa kung kelan gagawin ang pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17.


Sa ngayon ay aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine sa mga batang may edad 12 hanggang 17.

Unang inaprubahan ng FDA ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine para sa edad 12 hanggang 15 habang humihingi na rin ng pahintulot ang drugmaker na Sinovac na magamit ang COVID-19 vaccine nito para sa mga batang edad 3 hanggang 17.

Facebook Comments