Manila LGU, dinagdagan na ang inilaan na doses ng COVID-19 vaccines sa mga district hospital para sa mga kabataan

Dinoble na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang inilaang doses ng COVID-19 vaccines sa anim na district hospitals.

Ito’y para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa lahat ng kabataan may edad 12 hanggang 17 anyos.

Nasa tig-500 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang inilaan kung saan magsisimula ang pagbabakuna ng alas-7:00 ng umaga at magtatapos ng hanggang alas-4:00 ng hapon.


Nabatid na umabot na sa 3,474 ang bilang ng mga kabataan na naturukan na ng bakuna habang nasa 51,551 ang bilang naman ng mga nagparehistro.

Muli naman ikakasa ng Manila Local Government Unit (LGU) ang COVID-19 mass vaccination para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na tatanggap ng kanilang first dose.

Gagawin ito sa 45 health centers ng lungsod mula District 1 hanggang District 6 na may tig-200 doses at sa apat na mall sites na mayroon naman tig-500 doses ng bakuna.

Facebook Comments