Nanindigan ang Manila LGU na tama ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa mabilis at maginhawang serbisyo sa publiko.
Ayon sa Manila LGU, ang No Contact Apprehension Policy o NCAP na pinapatupad nila at ng iba lang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nagbibigay ng technological solutions sa matinding trapiko sa NCR.
Sa pamamagitan din anila ng NCAP, bumaba ng mahigit sa kalahati ang traffic violations at aksidente sa Maynila.
Iginiit din ng Manila City government na nawala ang kotongan sa itinuturing na NCAP areas at bumilis ang daloy ng trapiko.
Naging ligtas din anila ang mga kalsada, hindi lamang sa mga sasakyan kundi maging sa pedestrians at nagbibisikleta
Facebook Comments