Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na handang-handa na sila sa pagdiriwang ng kapistahan ng poong itim na Nazareno.
Sa pagtungo ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa simbahan ng Quiapo, umaasa siya na walang magiging problema bukas kung saan nakalatag na ang lahat para sa gagawing selebrasyon.
Bukod sa alkalde, nagtungo at kasama rin niya nag-inspeksyon si Interior Sec. Benhur Abalos sa nabanggit na simbahan.
Sa naging pahayag naman ni Abalos, kuntento siya sa mga inilatag na seguridad para sa Nazareno 2024 kung saan umaasa rin siya na walang magiging problema sa kasagsagan ng pagdiriwang.
Facebook Comments