Handang-handa na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa ikakasang job fair kasabay ng Labor Day.
Ikakasa ang nasabing job fair sa San Andres Sports Complex mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Pangungunahan ito ng Public Employment Service Office (PESO) Manila kung saan ito na ang ika-apat na sunod na taon na isasagawa nila ang “MANILAbor Day: Buhay at Kabuhayan tungo sa Marangal na Maynila”
Nasa 100 employers ang inimbitahan at halos 1,500 trabaho ang inaaalok sa job fair.
Kaugnay nito, hinihimok ng PESO Manila ang mga naghahanap ng trabaho gayundin ang mga High School Graduates, College Level, College at Tech/Voc Graduates na magtungo na bukas at baka sakaling ma-hired on the spot.
Bukod sa job fair, may One-Stop-Shop rin na ilalagay gaya ng Police Clearance mula sa Manila Police District, Social Security System, PhilHealth, Pag-IBIG Fund at Bureau of Internal Revenue.
Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng casual attire, magdala ng 20 kopya ng resume, magdala rin ng sariling ballpen at pairalin ang minimum health protocols upang maiwasan na mahawaan ng anumang uri ng sakit.