Manila LGU, hiniling na isama sa imbestigasyon ang flood control projects sa lungsod

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Senado na isama sa imbestigasyon nito ang flood control projects sa lungsod.

Ito’y kasunod ng naranasang pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila bunsod ng pag-ulan.

Partikular na pinaiimbestigahan ang mga flood control project sa ikalawa, ikatlo, at ikaanim na distrito ng Maynila.

Matatandaan na pinaglaanan ng P14.5 bilyong halaga ang flood control projects sa lungsod ng Maynila base sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pero sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamalaking alokasyon ng flood control project apektado pa rin ng pagbaha ang buong lungsod.

Handa naman makipagtulungan sa imbestigasyon ng flood control projects sa lungsod ang mga kongresista ng tatlong distrito na sina 2nd District Rep. Rolando Valeriano , 3rd District Rep. Joel Chua at 6th District Rep. Bienvenido Abante kung saan wala silang nakikitang problema dito at para masolusyunan na rin ang problema.

Facebook Comments