Manila LGU, iginiit sa mga residente sa lungsod na sumunod na lamang sa patakaran ng gobyerno

Muling iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno sa bawat Manileño na maiging sumunod na lamang sa patakaran na inaanunsiyo ng gobyerno.

Ito’y kaugnay sa biglaang pagbabago ng desisyon sa quarantine classifications sa Metro Manila.

Ayon kay Moreno, kinakailangan munang magtiis sa mala-perya at mala-barberong desisyon ng mga nakaupo sa national government dahil sa ngayon ay walang magagawa ang mga lokal na pamahalaan.


Hiling din ng alkalde na magkaisa na lamang lalo na’t ang taong-bayan naman ang namili sa kanila para pamunuan ang gobyerno.

Reaksyon ito ni Mayor Isko dahil may ilang mga negosyante, simbahan, kompanya at maging mga ibang alkalde sa Metro Manila ang nagulat sa last minute decision ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito’y matapos na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang September 15 sa halip na GCQ na unang inanunsiyo.

Facebook Comments