Manila LGU ilalaban ang curfew ordinance na ibinasura ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang legal na hakbang matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang curfew ordinance sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Majority Floor leader Cassy Sison ng manila City Council , mahirap na masita sila ng korte Suprema sa ilalim ng Subjudice rule.

Sa sandali aniya na matanggap nila ang opisyal na kopya ng desisyon ng SC ay malamang na sumangguni muna sila sa kanilang legal team.


Nanghihinayang naman ang ilang opisyal ng Barangay dahil malaki ang naitulong ng Curfew sa pagpapanatili ng kanilang kalagayang pangkaayusan at katahimikan sa kanilang barangay.

Nabawasan anila ang mga kabataan na nasasangkot sa rambulan, mga pakalat kalat sa gabi at ang mga nasasangkot sa gawaing kriminal.

Batay sa pasiya ng SC, nabigo ang lokal na pamahalaan na maglatag ng least restrictive means para hindi gaanong makompromiso ang constitutional rights ng mamamayan, partikular na ng mga kabataan, gaya ng right to liberty.

Pinuna pa ng Korte Suprema ang parusa na ipinapataw ng Maynila sa ilalim ng curfew ordinance na nagtatakda ng multa at pagkabilanggo sa mga menpr de edad dahil sunasagasa ito sa Juvenile Delinquency act o RA9344.

Facebook Comments