Libreng ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang dalawang gamot na maaaring magbigay lunas sa mga severe at critical COVID-19 patient.
Ito’y bilang bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Ang dalawang gamot na kapwa hirap hanapin at napakamahal kung saan nabili ito ng lokal na pamahalaan sa health care distributor na Globo Asiatico.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, mayroon na silang suplay ng Remdesivir at 1,000 Tocilizumab (Actemra 80mg) na maaaring makatulong na malunasan ang mga nararanasang sintomas ng pasyente na may COVID-19 partikular ang severe at critical na kondisyon.
Aniya, ang Tocilizumab na dumating sa lungsod ng Maynila nito lamang nakaraang araw ay kahalintulad ng gamot na Remdesivir.
Sinabi pa ng alkalde na kung makatutulong na makaligtas sa buhay ng isang tao anuman ang katayuan niya sa lipunan saan man dako ng Maynila, ng Metro Manila, ng bansa ay libre nila itong ibibigay pero depende ito sa ibibigay na reseta ng mga doktor.
Sa mga nagnanais na makakuha ng mga nasabing gamut, maaaring makipag-ugnayan ang pamilya o rwpresentanten nito sa Manila Health Department o kaya ay tumawag sa hotline ng Manila Emergency Operation Center (MEOC).
Maaari din silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng anim na pampublikong ospital ng lungsod kabilang na dito ang Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos Medical Center.
Inatasan na rin ni Mayor Isko ang anim na Director sa anim na ospital na huwag na huwag ipagdadamot ang mga gamot kahit anumang estado sa lipunan ng nangangailangan.