Manila LGU, maglalaan ng mas maraming vaccination sites para sa gaganaping National Vaccination Day

Mas maraming vacccination sites ang itatalaga ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa gaganaping tatlong araw na National Vaccination Day.

Nasa 75 vaccination sites ang itinalaga ng lokal na pamahalaan kabilang ang 44 na health centers, 18 community school sites, 6 na district hospital, 4 na mall at 3 iba pang eskwelahan.

Dito maaaring magtungo ang mga nais magpabakuna na kabilang sa A1 hanggang A5 priority group at mga menor de edad na nasa 12 hanggang 17 taong gulang mula November 29 hanggang December 1.


Sa abiso ng Manila Local Government Unit (LGU), bukas ang mga bakunahan sa mga residente at hindi residente ng kanilang lungsod.

Kinakailangan magdala ng anumang ID o kaya ipakita ang waiver form o QR code kung nakapagparehistro.

Pinapaalalahanan naman ang lahat na sumunod sa ipinapatupad na minimum health protocols sa mga vaccination sites kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Facebook Comments