Dismayado ang Manila City government sa hindi pagsipot ngayong araw ng mahigit 23,000 na mga nagpalista para sana sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Manila Public Information Office, 28,000 ang kanilang inabisuhan sa pamamagitan ng text message pero 4,210 lamang ang sumipot kanina.
Ngayong araw kasi ay 28,000 doses ng bakuna ang nakalaan sa Maynila.
Bunga nito, nagdesisyon na si Manila Mayor Isko Moreno na payagan na ang walk-in sa mga magpapabakuna sa vaccination sites sa lungsod.
Facebook Comments