Manila LGU, mahigpit na nagbabala sa mga pasaway na hindi nirerespeto ang mga ordinansa sa lungsod

Muling nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pasaway at lumalabag sa mga ordinansa na ipinatutupad sa lungsod.

Ito’y kasunod ng mahuli sa akto ang isang mixer truck na nagtatapon ng semento sa ilog sa Pandacan.

Nabatid na walang permit ang contractor para magtapon sa nasabing lugar kung saan agad itong ipinatigil saka ipinatawag sa city hall ang management para magpaliwanag.

Nauna na rin kinumpiska ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nasabing truck habang agad na nilinis ang mga itinapon nitong semento.

Sinisiguro ng Manila local government unit (LGU) na pananagutin ang mga nasa likod ng insidente dahil sa hindi pagsunod sa mga regulasyon at ordinansa.

Muling paalala ng lokal na pamahalaan sa lahat na magtulungan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa lungod kung saan i-report agad sa kinauukulan sakaling may makita ng kahalintulad na insidente.

Facebook Comments