Manila LGU, makikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Sri Lanka para makakuha ng elepante na ipapalit kay Mali

Makikipagnegosasyon ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa gobyerno ng Sri Lanka, para makakuha ng elepanteng kapalit ni Mali.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, malaking bahagi ng Manila Zoo si Mali kung kaya’t umaasa silang mapupunan ito ng magiging kapalit na elepante.

Sa katunayan aniya ay sinubukan ng gobyerno na kumuha ng kapares ni Mali sa India noong 1981 Mpero hindi ito natuloy.


Kaugnay nito, nanindigan si Dr. Heinrich Patrick Pena-Domingo, ang chief veterinary ng Manila Zoo na hindi nila pinabayaan si Mali.

Mas pinalawak pa nga aniya ang enclosure kumpara sa dating 1/4 na space nito at dating sementadong bakod.

Facebook Comments