Manila LGU, mamamahagi muli ng ₱1,000 ayuda

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang second tranche ng ₱1,000 cash aid mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).

Ayon kay Mayor Francisco “Isko” Moreno-Domagoso, makakatanggap muli ng tig-₱1,000 ang nasa 607,000 pamilya sa lungsod ng Maynila, matapos na maaprubahan ang ordinansa hinggil dito.

Dagdag pa ni Mayor Isko, mararamdaman ng mga Manileño ang cash assistance sa mga susunod na araw kung saan malaking tulong ito lalo na’t nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Maynila.


Bukod dito, bibigyan din ng food packs at hygiene kits ang nasa 275,000 na mga estudyante sa lungsod.

Makikinabang dito ang mga mag-aaral mula kinder hanggang grade-12 at makukuha nila ito bago matapos ang buwan ng Mayo.

Facebook Comments