Upang maiwasan na tumaas pa ang kaso ng dengue, mas lalo pang pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kampaniya kontra dengue.
Bukod sa paglilinis ng paligid sa lungsod, namahagi rin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga larvicide sa iba’t ibang barangay.
Partikular sa Brgy. 704, 704, 715, 719, at 720 kung saan ito ang mga barangay na may naitatalang kaso ng dengue.
Matatandaan na kabilang ang Maynila sa apat na siyudad sa Metro Manila na nasa epidemic level na tulad ng Marikina, Pateros at Quezon City.
Kalimitan din umanong tinatamaan ng dengue ay ang mga nasa edad 5 hanggang 9-anyos kung kaya’t patuloy ang paalala ng Manila Local Government Unit (LGU) sa mga residente ng mag-doble ingat at palaging maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.