![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2025/01/1-20.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Mahigpit na ipinapaalala ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga motorista na bawal ang pagpaparada ng mga sasakyan na daraanan ng Golden Parade ngayong Chinese New Year.
Partikular sa Jones Bridge, Escolta Street, Plaza Sta. Cruz, Dasmariñas Street, Quintin Paredes, Ongpin, Alonzo, Soler Street, at Reina Regente Street.
Isasara ang mga nasabing kalsada bago mag-alas 2:00 ng hapon kung kaya’t pinapayuhan ang mga maaapektuhang motorsita na maghanap ng alternatibong ruta.
Ang mga nais naman makibahagi sa parada ay maaaring magtungo sa tapat ng post office o kaya ay maghintay sa Lucky Chinatown kung saan ito magtatapos.
Nauna naman na nagsagawa ng cleaning at clearing operations ang mga tauhan ng Manila LGU para sa naturang parada habang nakapwesto na rin ang Manila Police District (MPD) para sa pagbabatay ngayong Chinese New Year.
Ngayong umaga naman ay dagsa na ang publiko sa kahabaan ng Ongpin Street para mamasyal at mamili ng mga pampaswerte gayundin ang mga pagkain.