Tiniyak ng Manila City Government na tuluy-tuloy ang operasyon ng city hall ngayong Sabado para bigyang daan ang paghahanda sa mga dumadagsa na mga deboto ng Itim na Nazareno.
Ayon sa Manila Local Government Unit (LGU), puspusan din ang pag-monitor ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga aktibidad sa Pista ng Black Nazarene.
Nagpaalala rin ang Manila City Government sa mga deboto na sundin ang mga panuntunan at protocol na pinaiiral para sa maayos at taimtim na selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno.
Samantala, naglagay naman ang mga awtoridad ng hiwalay na linya ng pila para sa mga magbibigay ng “Pagpupugay” na persons with disability (PWD), senior citizens, at sa mga buntis.
Alas-3:00 ng hapon kahapon nang simulang dumagsa ang mga debotong nagpupugay sa Black Nazarene.
Inaasahan naman na ngayong hapon ay lalo pang dadagsa ang mas malaking volume ng mga deboto.