Manila LGU, may panawagan sa mga nais magboluntaryo sa nalalapit na paggunita ng Undas

Nagpapaalala ang lokal na pamahalaan sa mga fire volunteer na nais tumulong sa paghahanda at pag-aasikaso sa nalalapit na Undas 2025.

Sa abiso ng Manila LGU, ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ay tatanggap na ng mga fire volunteer na gustong maghatid ng serbisyo.

Ito’y para mag-antabay sa mga sementeryo na inaasahang dadagsain ng mga tao at sa iba pang lugar sa Maynila.

Bawat samahan ng fire volunteets ay inaabisuhan na magpasa ng request letter sa Manila DRRMO na naka-address kay Dir. Arnel Angeles.

Hanggang mamayang alas-5 ng hapon na lamang tatanggap ng mga request letter ang Manila DRRMO kung saan ang hakbang na ito ng lokal na pamahalaan ay paraan upang maa maging maayos at walang maging problema ang pagtungo ng publiko sa mga sementeryo.

Wala pa rin naman sa ngayon inilalabas na anunsyo ang Manila LGU sa schedule ng mga aktibidad sa mga sementeryo hinggil sa paggunita ng Undas.

Facebook Comments