Manila LGU, muling ikinasa ang drive-thru vaccination

Muling ikinasa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kanilang drive-thru vaccination na isinasagawa sa tapat ng Quirino Grandstand.

Ayon sa Manila Public Information Office, mas maraming doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nakalaan sa drive-thru vaccination.

Magtatagal ang pagbabakuna hanggang sa August 22 kung saan inihayag ng Manila PIO na puno na ang mga slot sa buong linggo.


Kaugnay nito, hinihimok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga interesado sa drive-thru vaccination na magparehistro sa manilacovid19vaccine.ph para makakuha ng slot.

Importante rin na dala ng mga magpupunta sa drive-thru vaccination ang kanilang QR code dahil kung wala sila nito ay hindi sila mababakunahan.

Layunin ng Manila Local Government Unit (LGU) sa pagsasagawa ng drive-thru vaccination na maitaguyod ang lahat ng pamamaraan upang mailapit ang bakuna sa publiko bilang tugon sa laban kontra sa pandemya.

Facebook Comments