Manila LGU, muling ipinapaalala ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa lahat ng tanggapan ng city hall

Muling ipinapaalala ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ipinapatupad na ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa lahat ng kanilang tanggapan sa city hall.

Sakop ng nasabing kautusan ang mga empleyado at mga residente na may transaksyon sa Manila City Hall maging ito man ay open area.

Matatandaan na muling ibinalik ni Mayor Honey Lacuna ang mandatoryong paggamit ng face mask dahil sa pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa Maynila.


Aniya, paraan daw ito upang makatulong na hindi na kumalat pa o magkaroon ng hawaan ng COVID-19 at upang maging ligtas rin sa nasabing sakit.

Nabatid na sa kasalukuyan, nasa 214 na ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila matapos makapagtala ng 29 na karagdagang kaso.

Paglilinaw naman ng alkalde, sa Manila City Hall lang ipapatupad ang kautusan at hindi sa buong lungsod kaya’t huwag maniwala kung may mga nagpapakalat ng maling balita.

Facebook Comments