Muling nagpapaalala ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa ibang mga residente nito na benepisyaryo ng cash assistance mula sa national government na makipag-ugnayan sa Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Partikular na pinapaalalahanan ay ang mga nasa listahan na hindi pa kinukuha ang kanilang ayuda kung saan nais kasi ng Manila Local Government Unit (LGU) na matapos na ang pamamahagi bago ang itinakdang deadline.
Nabatid kasi na sa kasalukuyan, nasa 354,881 families o 93% ng total beneficiaries sa lungsod ang nakatanggap na ng tig-P4,000 na ECQ ayuda mula sa pamahalaan.
Kalakihan sa bilang ng hindi pa naipapamahagi ay ang “unclaimed” na ayuda ng ilang mga benepisyaryo.
Nagawa ng lokal na pamahalaan ang 93% accomplishment ng pamamahagi ng ayuda sa loob ng 27 araw.
Bukod dito, nasa 5,914 persons with disabilities (PWDs) at 2,906 solo parents na rin ang nakatanggap ng kanilang P4,000 emergency financial assistance.