Manila LGU, nagbaba na ng kautusan sa liquor ban at firecracker ban sa Nazareno 2024

Nagbaba na ng kautusan ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa liquor ban at firecracker ban na ipatutupad sa Nazareno 2024.

Batay sa Executive Order No. 1 Series of 2024 na nilagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang liquor ban at firecracker ban ay epektibo simula January 8 hanggang January 10, 2024.

Ibig sabihin, ang pagkonsumo at pagbebenta ng anumang uri ng nakalalasing na inumin at mga paputok ay mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod.


Ang kautusan ay epektibo sa paligid ng Quiapo partikular sa lugar na sakop ng 500-meter radius ng simbahan ng Quiapo.

Ayon sa Manila LGU, ang paglabas ng kautusan ay para sa mapanatili ang kapayapaan sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno.

Facebook Comments