Manila LGU, nagbigay ng mga paalala kaugnay sa sitwasyon ng Bulkang Taal

Pinag-iingat ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga Manileño makaraang itaas na sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Kaakibat nito ay inihayag ni Mayor Isko ang agarang assessment na Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO kaugnay sa sitwasyon ng Bulkang Taal.

Sabi ni Isko, ayon sa MDRRMO, ang pag-aalburuto ng bulkan ay maaaring makaapekto sa kalidad ng hangin sa Maynila.


Pinaghahanda rin ni Domagoso ang Manileño sa posibleng ashfall o tephrafall na maaaring idulot ng hindi magandang aktibidad ng Bulkang Taal.

Facebook Comments