Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil sa pagbabalik-operasyon ng mga tricycle, pedicab at E-trike sa lungsod.
Nabatid na papayagan na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na makabiyahe ang mga tricycle, base sa Memorandum Circular No. 01, Series of 2020 na pinirmahan ni Director Dennis Viaje.
Ilan sa mga alituntunin na inilabas ng MTPB ay:
– Kailangan laging nakasuot ng face mask ang driver at pasahero.
– Mahigpit na ipinatutupad ang isang pasahero lamang at walang nakaupo sa likod ng driver kada biyahe.
– Kailangan may plastic divider/separator sa pagitan ng pasahero at driver.
– Ang pamasahe kada biyahe ay ₱20.00 sa unang kilometro at karagdagang ₱5.00 kada kalahating kilometro.
– Kailangan din na may temperature check at mga sanitizer sa mga loading at unloading area ng mga TODA.
Kaugnay nito, magsagsagawa ng biglaang inspeksyon ang MTPB-Tri-Wheels Management Unit (TMU) at ang mahuhuling lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa.