Manila LGU, nagpaabot na ng tulong sa mga nabiktima ng food poisoning sa Tondo

Nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa nabiktima ng food poisoining dahil sa kinaing chicken mami sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare Director Ma. Asuncion Fugoso, nakalulungkot ang naturang insidente na naging dahilan nang pagpanaw ng isang biktima na residente ng Brgy. 172 sa Gagalangin, Tondo kung saan 15 ang na-ospital.

Sinabi ni Dir. Fugoso, nagpadala na sila ng food boxes para maibigay sa mga apektadong pamilya.


Bukod dito, inihayag ni Dir. Fugoso na maaaring makipag-ugnayan ang pamilya ng mga biktima sa kanilang tanggapan para sa pinansyal na ayuda at gastusin sa pagpapa-ospital gayundin sa gastos para sa burol at libing ng nasawi.

Mahigpit naman ang paalala ni Dir. Fugoso sa mga nagluluto at nagbebenta ng pagkain na tiyaking ligtas ang kanilang produkto habang pinag-iingat naman niya ang mga bumibili.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na resulta ang mga kinauukulan sa ginawang imbestigasyon habang hinihintay na pa ang resulta sa ginawang pagsusuri sa kinuhang samples ng chicken mami.

Facebook Comments