
Nag-ikot at isa-isang isinama ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang mga street dweller o mga indibidwal na ginagawang bahay ang mga lansangan sa lungsod.
Partikular na isinagawa ang operasyon sa mga lugar tulad ng Juan Luna, Roxas Blvd., Quirino Avenue, at Osmeña Highway.
Bukod sa mga street dweller, nagsagawa rin ng rescue operations ang MDSW para sa mga namamalimos sa kalsada.
Ang mga nasagip ay pansamantalang nananatili sa Reception and Action Center (RAC), kung saan binigyan sila ng makakain at ginagawa na ang proseso para makabalik o makauwi sila sa kanilang mga pinagmulan.
Maging ang mga kabataan na tinatawag na “wiper boys” ay isinama na rin ng mga tauhan ng MDSW upang maligtas sila sa posibleng kapahamakan dulot ng kanilang ginagawa.









