Manila LGU, nagsimula na rin magsagawa ng bakunahan sa mga fast food chain

Nagkasa ng pagbabakuna ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa ilang mga branches ng dalawang sikat na fast food chain sa lungsod.

Partikular na ikinakasa ang booster shot vaccination sa P. Campa, Lepanto, Paco, Adriatico Branch ng McDonalds gayundin sa mga branch ng Jollibee sa Legarda at North Harbor.

Gagamitin sa pagbabakuna ng booster shots ay ang Astrazeneca vaccines na may tig-100 doses kada branch.


Sinimulan ang pagtuturok ng booster shots kaninang alas-8:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang hakbang na ito sa pakikipagtulungan ng Manila LGU, Department of Health (DOH) at ng mga nabanggit na kumpaniya ng fast food chain.

Bukod dito, patuloy pa rin ang pagbabakuna ng booster shots sa drive-thru sa Quirino Grandstand at sa Kartilya ng Katipunan gayundin sa apat na mall at anim na paaralan kada distrito.

Facebook Comments