Manila LGU, nagsuspinde na ng klase dahil sa epekto ng VOG

Inanunsyo na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanselasyon ng klase sa buong siyudad.

Kabilang sa naturang anunsyo ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ito ay bunsod pa rin ng nararanasang volcanic sulfuric dioxide emission (VOG) mula sa Taal Volcano.


Dagdag din sa anunsyo ang pagkansela ng pasok sa mga empleyado ng gobyerno sa city hall ng Maynila kabilang ang mga satellite offices nito, simula ala-1 ng hapon.

Sa kabila nito ay nilinaw ng pamahalaang lungsod na hindi kasama sa suspensyon ng pasok sa city hall ang mga departamento na kabilang sa pagbibigay ng basic at health care services, preparedness/response sa mga kalamidad at sakuna at iba pang mahahalagang gawain.

Abiso ng manila LGU sa publiko, magsuot ng facemask anumang oras at limitahan ang outdoor activities kung kinakailangan.

Facebook Comments