Nasa 30 units ng handheld devices para sa single ticketing system ang natanggap ng lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Bukod dito, pinagkalooban din ng MMDA ang Manila Local Government Unit ng limang computer sets, isang server at power supply.
Ang nasabing hakbang ay para maging mas mabilis, maayos at maipagpatuloy ang ipinapatupad na single ticketing system sa lungsod ng Maynila.
Nagpapasalamat naman si Mayor Honey Lacuna dahil magiging mabilis na ang pagproseso ng mga motorista na mahuhuling lumalabag para malaman ang kanilang violation.
Paraan na rin daw ito upang maiwasan na ang kotongan at hindi na mahirapan pa ng pagbabayad ng multa ang mga nahuling lumanag sa batas trapiko.
Facebook Comments