Muling nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng mga residente nito na panatiliin pa rin magsuot ng face mask sa lahat oras.
Ito’y kahit pa boluntaryo na lamang ang pagsusuot nito sa mga open area o outdoors.
Ayon kay Mayor Honey Lacuna, mas maigi pa rin nakasuot ang face mask upang hindi mahawaan ng COVID-19 lalo na’t hindi nagagawa o naipapatupad ang physical distancing sa mga matataong lugar kahit pa nasa labas.
Ang mga nakakaranas naman ng sintomas ng COVID-19 ay hinihimok na sumalang sa RT-PCR Test o swab test kung saan maaari silang magtungo sa mga health centers sa anim na distrito sa lungsod.
Napag-alaman kasi ng Manila LGU na may ilang indibidwal na nakakaranas ng sintomas ang mas gusto na lamang mag-isolate sa kanilang mga tahanan.
Pinayuhan ng alkalde na isang rin doktora ang mga indibidwal na ito na sumalang sa pagsusuri upang maging ligtas sa nasabing sakit at hindi na rin makahawa pa ng iba lalo na ang kanilang pamilya.
Sa kasalukuyan, bumaba na sa 62 ang aktibong kaso sa Maynila habang nasa 122,518 ang naitalang nakarekober sa COVID-19.