Manila LGU, patuloy na naka-monitor sa ikatlong araw na tigil-pasada ng Manibela

Sa ikatlong araw ng tigil-pasada ng grupong Manibela, patuloy na nakabantay at naka-monitor ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa sitwasyon.

Inatasan pa rin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na maghanda pa rin ng libreng sakay katuwang ang Manila Police District (MPD).

Ito’y para umalalay sakaling kailanganin ng mga pasahero na mai-stranded dulot ng huling araw ng tigil-pasada.


Nasa apat na sasakyan ng MPD at dalawang truck ng MDRRMO ang nakaantabay sa Kartilya ng Katipunan.

Base sa naging assesment ng lokal na pamahalaan ng Maynila at MPD, hindi pa rin naramdaman ilang pangunahing kalsada ang tigil-pasada ng Manibela.

Facebook Comments