Patuloy na nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pribadong kompanya na tumanggap pa rin sila ng mga empleyado na senior citizen sa kanilang lungsod.
Maging ang person with disabilities (PWDs) na kaya pang magtrabaho ay tanggapin din sana ng mga kompanya na nasa lungsod ng Maynila.
Kaugnay nito, inaasahan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na dumami pa sana ang mga kompanya na bukas o handang tanggapin ang mga senior citizen at PWDs.
Aniya, maging sa ilang tanggapan ng Manila-LGU ay may mga empleyado sila na pawang PWDs pero hindi ito hadlang para magampan nila ang kanilang trabaho.
Sa datos naman ng Manila Public Employment Service Office (PESO), nasa mahigit 40 senior citizen na ang kanilang natulungan para magkaroon ng trabaho na karamihan ay nasa iba’t ibang fastfood chain.
Nasa 31 PWDs naman ang nagkaroon din ng trabaho sa tulong Manila PESO kung saan mula ito noong January 2023 hanggang sa kasalukuyan.