Manila LGU, patuloy na nananawagan sa mga magulang na makiisa sa Chikiting Ligtas Immunization Program

Muling nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga magulang na isalang na ang kanilang mga anak aa ikinakasang Chikiting Ligtas Immunization Program ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, target nilang maturukan ng bakuna kontra tigdas, rubella, at polio ang nasa 80% na bilang ng mga sanggol at mga bata sa kanilang lungsod sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

Pero inihayag ni Mayor Honey na nasa higit 50% lamang ang nakatanggap ng oral polio at 53% naman sa measles-rubella vaccine na malayo pa sa kanilang target.


Kaugnay nito, hinihikayat at ipinapaalala ng alkalde ang mga magulang na mas mabuting maging ligtas ang mga anak sa mga nasabing sakit kaya’t samantalahin na ang pagbabakuna.

Aniya, ligtas naman ang mga bakunang ipinapamahagi kaya’t huwag ng mag-alinlangan pa ang mga magulang.

Maaari silang magtungo sa 44 na health centers at sa apat na malls mula alas-7:00 at alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments