Manila LGU, pinaghahandaan na ang pagbubukas ng Baseco Hospital

Kinumpirma ni Dr. Grace Padilla, ang officer-in-charge (OIC) ng Manila Health Department, na nalalapit na ang pagbubukas ng Baseco Hospital.

Ito’y bilang tugon sa panawagan ng mga residente para sa mas mabilis at abot-kayang serbisyong medikal.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, pinabilis na nila ang proseso upang agad mapakinabangan ng komunidad ang bagong pasilidad.

Dahil dito, hindi na kailangan pa lumayo ng mga residente ng Baseco Compound para magpa-check up o kaya ay magpagamot.

Paraan na rin ito upang kahit papaano ay mapakinabangan ang Baseco Hospital na ilang taon na ring natengga at tila napabayaan matapos na maipatayo.

Samantala, plano naman i-convert ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila bilang bagong College of Medicine ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM bilang hakbang para mapalakas at mapalalawak pa ang pag-aaral ng mga medical student.

Facebook Comments