Manila LGU, pinulong ang mga tauhan at mga may-ari ng stall sa Manila Zoo

Pinulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ilang mga kawani ng Manila Zoo kasama ang mga may-ari ng stall na nasa loob nito.

Pinangunahan ng Department of Public Services ng Manila LGU ang aktibidad upang mas lalo pang maunawaan ng mga kawani ng zoo at negosyante ang kahalagahan ng batas pangkalinisan.

Ito’y sa ilalim na rin ng R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.


Ibinahagi rin dito kung paano ang pamamahala ng City Materials Recovery Facility at kaalaman tungkol sa potensyal na programa sa lungsod ng Maynila hinggil sa koleksyon ng mga gamit na mantika.

Ang layunin ng pagpupulong na ito ay magbahagi ng kaalaman at impormasyon sa mga kawani at mga namamahala ng food stall sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng Manila Zoo.

Paraan din ito upang mapangalagaan ang mga alagang hayop at kapaligiran sa loob at labas ng Manila Zoo kung saan magiging ligtas rin sa sakit ang mga empleyado.

Facebook Comments