Tinutulan ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang panukala ni Senador Francis Tolentino na ilipat sa Masungi Georeserve sa Rizal Province ang Manila Zoo.
Paliwanag ng alkalde, bahagi na ng kasaysayan ng Maynila ang Manila Zoo kung kaya’t hindi sila papayag na alisin ito dito.
Kaugnay nito, gumagawa ng mga kaukulang hakbang ang Manila LGU upang mapanatili ang kaligtasan ng mga hayop na nasa loob ng zoo.
Giit pa ng alkalde, hindi na rin daw matatawag na Manila Zoo ito kung ililipat ng ibang lugar.
Matatandaan na unang iminungkahi ni Tolentino na mas makabubuti na ilagay ang mga hayop sa kanilang natural habitat tulad ng Masungi Georeserve sa Rizal Province.
Facebook Comments