
Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Señor Sto. Niño sa Enero 18, puspusan ang isinagawang cleaning at flushing operations sa paligid ng Sto. Niño de Tondo Church.
Pinangunahan ito ng Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW) ang operasyon upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga deboto sa nalalapit na selebrasyon.
Nagkasa ang Manila LGU, katuwang ang Manila Police District (MPD) ng clearing operation sa mga obstruction, vendor, at terminal sa mga lugar na malapit sa simbahan, partikular ang patungo sa Divisoria-Tondo.
Tuloy-tuloy rin ang isinasagawang pagkukumpuni ng lokal na pamahalaan sa mga ilaw at linya ng poste, gayundin sa pagaaspalto ng mga kalsada sa paligid ng simbahan sa Tondo.
Bukod dito, nakatutok at nakabantay ang mga tauhan ng MPD Station-2 sa paligid para masiguro ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa mga deboto na magtutungo sa nasabing simbahan.
Una nang nagsagawa ng inspeksyon ang MPD sa mga lansangan na daraanan ng prosisyon ng Sto. Niño para masiguro ang katiwasayan at ligtas na kapistahan.









