Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtuturok ng bivalent vaccines sa mga senior citizens.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Maynila, maaari ng sumalang ang nasabing priority groups kung sila ay nakapag-pabakuna na ng 2nd booster sa naklipas na apat hanggang anim na buwan.
Isinasagawa ang pagbabakuna aa 44 na health centers sa buong lungsod.
Kinakailangan naman na dalhin ang mga vaccination card habang ang iba naman ay hinihimok na magpa-rehistro via online.
Patuloy na nananawagan ang Manila LGU sa ibang health workers na sumalang na sa pagbabakuna lalo na’t hindi pa rin nila naaabot ang target na bilang ng mga naturukan nito.
Facebook Comments