Sinisiguro ni Manila City Mayor Honey Lacuna na ligtas ang sinumang turista na nais bumisita sa kanilang lungsod.
Ito ang naging pahayag ng alkalde kasunod ng lumabas na pag-aaral na pang-lima ang Maynila sa mga itinuturing na pinakapeligrosong lungsod sa mundo para sa mga dayuhang turista, batay sa Forbes Advisor.
Sa pahayag ng ni Mayor Honey sa ginawang grounbreaking ceremony ng Green Green Green Program ng pamahalaan katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Budget and Management (DBM), iginiit niya na masiyadong teknikal ang naging resulta ng ginawang pag-aaral.
Aniya, may sariling datos ang Manila LGU mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan ikalawa ang Manynila sa mga lungsod na may mababang bilang ng krimen.
Sinabi pa ni Mayor Honey na nagkaroon na sila ng command conference para pag-usapan ang nasabing isyu.