
Todo suporta si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papanagutin ang mga tiwaling opisyal at kontratista sa likod ng palpak at hindi gumaganang flood control projects.
Ayon kay Yorme, matagal nang nananawagan ang Lungsod ng Maynila sa mga ahensya ng pamahalaan na ayusin ang mga hindi gumaganang pumping station, kabilang ang sunog apog na nagdudulot ng matinding baha sa mga komunidad.
Tinukoy ng alkalde na ang ilang tinayong pasilidad ay pawang mga bago pero hindi naman magamit at dapat umanong managot ang mga nasa likod nito.
Dagdag pa ni Mayor Isko, dapat ding pagtuunan ng pansin ang pagtatayo ng sewarage treatment plants sa mga flood-prone areas, bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Sa kabila nito, tiniyak ng Manila LGU ang tuloy-tuloy na declogging at paglilinis sa lahat ng 896 barangay sa kanilang lungsod.









