Manila LGU, umaasang wala nang magiging problema ang mga motorista sa pagdaan sa Lagusnilad underpass

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na magiging maayos na at maluwag ang biyahe sa muling pagbubukas ng Lagusnilad vehicular underpass.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, makasisiguro ang publiko partikular ang motorista na magiging mabilis na ang kanilang biyahe kung sila ay tutungo ng Taft Avenue.

Sinisiguro rin ni Mayor Lacuna na wala ng baha na mararanasan dahil mas lalo pa nilang pinaganda ang drainage system.


Maliwanag na rin pagsapit ng gabi sa Lagusnilad dahil bukod sa street lights, mayroon na ring solar led ground lights.

Bukod dito, naaprubahan na rin ang 100 milyon na karagdagang pondo para naman sa pagbili ng mga pump.

Wala na ring restriction kung ano ang maaring dumaan na sasakyan dahil lahat ay pinapayagan na maging bus at truck.

Naging maluwag na rin ang daloy ng trapiko lalo na ang mga manggaling ng España, Divisoria at Carriedo.

Facebook Comments