Manila Mayor Honey Lacuna, naghain ng COC para sa reelection bid

Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Manila Mayor Honey Lacuna ngayong ikatlong araw ng filing ng COC.

Tumagal ng halos 20 minuto ang paghahain ng alkalde na sinamahan ng mga kaalyado nitong kongresista.

Kasabay rin ni Lacuna na nag-file ng COC ang running mate na si Vice Mayor Yul Servo Nieto.


Kapwa susubukan ng dalawa na maupo sa ikalawang termino.

Sa panayam sa alkalde, sinabi nitong nagkausap sila ni dating Manila Mayor Isko Moreno noong Agosto kung saan nagpaalam daw ito sa kaniya na tatakbo rin siya sa parehong posisyon.

Si Moreno ang dating running mate at kapartido ni Lacuna.

Bago maghain ng COC, may nabanggit din si Lacuna tungkol sa pag-iingat sa mga pagtataksil, pero wala naman daw siyang pinatutungkulan.

Samantala, sa ngayon ay dalawa na ang naghain ng COC sa pagka-alkalde sa Maynila.

Kahapon nang mag-file ng kandidatura sa pagka-mayor si Alvin Karingal na mula sa Ikatlong Distrito.

Facebook Comments