Manila Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong, pormal nang naghain ng COC para sa presidentiable at vice presidentiable race

Bago mag-alas-12:00 ngayong tanghali ay dumating sa Sofitel Manila sina Manila Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong.

Ito ay para maghain ng kandidatura sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng Partidong Aksyon Demokratiko.

Sa kanyang statement, inamin ni Moreno na sa dami niyang nilahukang halalan, ngayon lamang siya nakaramdam ng kaba.


Hindi rin napigilan ni Moreno ang pagpuna sa aniya’y nakakadismayang pagresponde ng pamahalaan sa pandemya.

Sinabi pa ng alkalde na bukas ang kanilang partido sa sino mang nais lumahok sa kanilang senatorial slate.

Sa panig naman ni Ong, sinabi nito na hindi away ang pangunahing adhikain ng kanilang tambalan ni Moreno.

Aniya, ang nais nilang pagtuunan ng pansin ay ang pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments