Manila Mayor Isko Moreno, dismayado matapos makatapak ng dumi ng tao sa isinagawang inspeksyon sa Bonifacio Shrine PCP Commander, pinasisibak sa pwesto

Dismayado si Manila Mayor Isko Moreno sa ginawa nitong pag-inspeksyon sa paligid ng Andres Bonifacio Shrine sa Lawton.

Ayon kay Moreno, mistulang ginawa na daw palikuran ang lugar ay sobrang baho na din kung saan aniya malapit pa naman ito sa City Hall.

Mas lalo pang nagalit ang Mayor nang makatapak ito ng dumi ng tao kaya’t nais niyang Irekomenda kay Manila Police District chief Vicente Danao na sibakin sa pwesto si Police Lt. Rowel Robles na comamander ng PCP sa Lawton dahil sa kapabayaan nito.


Inatasan na din niya ang Department of Public Safety (DPS) na linisin ang lugar maging ang mga puno at pinapapinturahan din niya ang estatwa ng bayaning si Emilio Jacinto.

Pinababantayan din ni Mayor Isko “Ang Kartilya ng Katipunan” dahil ginawa na din daw itong “Kubeta ng Bayan”.

Ikinatuwa naman ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado ang ginagawang paglilinis ngayon ng alkalde dahil madaragdagan na ang mga papasyalan ng mga turista sa Metro Manila.

Facebook Comments