Handang-handa na si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 sakaling magkaroon na nito sa bansa.
Sa isang pahayag ni Mayor Isko, nais niyang manguna para maipakita sa lahat ng Manileño na ligtas ang bakuna na binili ng gobyerno.
Aniya, sa ganitong paraan ay magiging panatag ang nararamdaman ng publiko at mahihikayat pa niya ang mga residente ng Maynila na magpabakuna na rin kontra COVID-19.
Sinabi pa ni Mayor Isko na handa na ang 250 milyong piso nilang pondo para mabakunahan ang nasa 2.5 milyon katao na nakatira sa lungsod ng Maynila.
Habang wala pa naman bakuna na nakukuha ang pamahalaan, maiging mag-doble ingat pa rin upang hindi mahawaan ng virus at maging ligtas ngayong holiday season.
Facebook Comments