Manila Mayor Isko Moreno, may babala sa mga tumatangkilik sa illegal testing sites

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga Manilenyo na huwag tangkilikin ang mga nag-aalok ng COVID-19 swab tests na walang kaukulang certification.

Kasunod ito ng pagpapasara ng isang site sa may Singalong, Manila kung saan nagsasagawa ng illegal swab test na walang sertipikasyon mula sa mga health authorities.

Tinukoy ng Manila Police District (MPD) at Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ang testing site na Swab Express PH Online.


Ang MPD at SMART ang siyang nagsilbi ng closure order sa testing site.

Ayon kay Moreno, ang nasabing testing site ay isa lamang residential area na nag-aalok ng swab tests sa halagang ₱3,000.

Giit ng alkalde sa mga residente ng lungsod, huwag tangkilikin ang mga illegal testing sites dahil hindi naman nakatitiyak na tama ang resulta na ibinibigay ng mga ito sa mga pasyente.

Pinayuhan ni Moreno ang publiko na i-avail ang libreng swab tests na ibinibigay ng public hospital ng lungsod para sa mga Manilenyo.

Facebook Comments