Muling nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng jeepney driver na nagka-cutting trip.
Ito’y dahil sa maraming pasaherong naaabala dahil hindi sila nakakarating agad sa kanilang paroroonan.
Para kumita, pinabababa agad ng tsuper ang mga pasahero para magkasa ng bagong trip at magsakay ng mga bagong pasahero.
Hindi ito nagugustuhan Ng Mayor Isko.
Iginiit ng alkalde, walang dahilan ang mga jeepney driver na mag-cutting trip dahil maluwag na ang mga kalsada bunsod ng Clearing Operations.
Kung magpapatuloy ang maling gawain, maraming pasahero ang naaapektuhan lalo na ang mga empleyado at estudyante.
Nakapaghain na ang Manila LGU ng reklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ang mga prangkisa ng mga jeepney driver na nagpapatuloy sa cutting trip.
Bukod sa pag-impound ng kanilang sasakyan, posibleng pagmultahin din ang mga ito ng aabot sa 15,000 Pesos.