Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nagpositibo sa COVID-19 si Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Moreno, nakaramdam siya ng kaunting ubo’t sipon at sumakit din ang kaniyang katawan.
Agad na sumalang ang alkalde sa pagsusuri kaya’t dito na nalaman na positibo siya sa nasabing virus.
Dinala na sa Sta. Ana Hospital si Moreno para matutukan ang kalagayan kung saan magpapatuloy pa rin naman siya sa kaniyang trabaho habang naka-quarantine.
Ikinasa na rin ang ilang health protocols katulad ng disinfection sa Office of the Mayor at inaalam na rin kung sinu-sino ang mga nakasalumuhang indibidwal ang alkalde para sa contact tracing.
Matatandaan na unang nagpositibo sa COVID-19 si Vice Mayor Honey-Lacuna Pangan isang linggo na ang nakakalipas na kasalukuyang nagpapagalign sa Sta. Ana Hospital.