Nanindigan si Manila Mayor Isko Moreno sa inilabas nitong Executive Order No. 42 o ang non-mandatory wearing of face shield sa lungsod ng Maynila.
Sa kabila ito ng pagkontra na malakanyang sa kautusan dahil ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque walang saysay at wala itong bisa dahil wala pang pinal na desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Depensa ni Moreno, malaking kabawasan ang kautusan sa gastos ng mga residente sa Maynila.
Bukod pa kasi sa nakakapagdulot ang face shield ng karagdagang polusyon ay wala rin itong bisa laban sa COVID-19.
Maliban dito, nilinaw ni Moreno na mahalaga pa rin ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras para makaiwas sa maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.
Una na ring sinuportahan ng DILG ang hindi na pagsusuot ng face shield kung saan nakatakdang itong irekomenda sa IATF.